stronger
I can’t be the only ice cream archaeologist - Imgur

I can’t be the only ice cream archaeologist - Imgur

fuckyeahdisneyentertainment:

DSC_8112.jpg by esutanto on Flickr.
did-you-kno:

Source 
Enough na.

Akala ko magiging okay ako pag nasagot mo na lahat ng tanong ko. Yun pala, naging okay lang ako kasi nakausap kita ulit. Nakausap ko yung taong I crave so much, na nami-miss ko na sobra. Pero instead, I had to pretend and lie to you na okay na ko kasi nasagot mo na halos lahat. Ang totoo, I had to swallow my pride dahil gusto ko malaman anong nangyare saten, bakit mo ko iniwan. Pano?

Niloloko ko lang pala sarili ko. Kasi ngayon alam kong okay na tayo, mas pumupunta pa ako sa page mo. Mas marami pa kong nakikita. Mas nasasaktan lang ako. Mas okay pala yung hindi kita nakikita… kasi I was truly okay last month. Kung date, pinagdadasal ko na maging masaya ka saken… ngayon pinagdadasal ko naman na ako naman maging masaya para sayo…. pinagdadasal ko na kahit isang araw lang God, magising ako na hindi kita maiisip, maalala. Kahit isang araw lang sana.

Hindi kita mapatawad eh…. sa ginawa mo, tingin mo magiging okay ako agad agad? HIndi kita mapatawad, nagagalit na ako. Na bakit ganun, sabi niya mahal niya ko pero isang lapit lang nung bago niya… naiwan niya ko. Hindi mo ako mahal. Iniisip ko… WHAT IF?! What if umuwe ako nung January, akin ka pa kaya? You never loved me. I guess you only loved…. the idea of me.

Kagabi, mga 2am yata yun. Hindi ako makatulog. Late na kong matulog ngayon, siguro nasanay ako nung tayo pa. Umiiyak ako kay Majo, matulog na daw ako baka pagod lang ako. Sabi ko, gusto kong matulog at hindi na magising..Minura niya ko. Hahah. The thing is, ayokong matulog dahil pag gising ko in the morning… makakalimutan kong wala ka na pala sa buhay ko tapos wala pang dalawang minuto, may susuntok na naman saken. Sa chest, sa stomach, sa mukha ko at magpapaalala na wala ka na pala talaga.. Na kahit ano pang sabihin ko at sabihin mo, hindi na mababalik lahat. There is nothing left to say… Sabi ko kay Majo, bakit ganun? Nawala yung 5 years kong paghihintay, nasayang.

Sabi niya hayaan na daw kita… maging masaya daw ako kasi masaya ka na. Pero hindi ko magawang maging masaya para sayo…. Gusto ko maramdaman mo tong nararamdaman ko, para malaman mo kung gano kasakit ginawa mo saken. Para malaman mo, kung gano kasakit pulutin yung nabasag na puso ko, at habang pinupulot yun, nasasaktan ka kasi natutusok yung kamay mo. Pero alam mo anong mas nakaka tanga? Kahit bigyan pa ako ng chance gawin sayo yun, hindi kita kayang saktan. Mas gugustuhin ko parin ako masaktan. It’s a little unfair, how after everything that you’ve done to me.. I still love you.

Grabe noh? Naiintindihan ko na yata yung sinasabi mong I am really TOO MUCH. Kinaylangan kong alisin lahat ng mga little things that would remind me of you… chocolates, gshocks, cartoons.. Hahah. I had to avoid them all. Hindi ako nasasaktan kasi may iba ka na, or what. Nasasaktan ako….. kasi wala ka na. Sana pala inisip ko na pwede mo rin akong saktan. Sana pala inisip ko na hindi porket mahal kita, magiging masaya ako sayo. I had no idea that I am capable of loving so much. Capable of bearing this pain everyday.

Sobrang numb ko na eh. Pag may makita lang akong magandang babae, knowing na magugustuhan ko siya… hindi ko magustuhan. May na meet akong gusto ko last month, hindi ko siya masuyo kasi natatakot na ko eh. Natatakot na kong mag mahal ulit.

Nasaktan ako eh…. Sobra.

Naniniwala ako na time heals all wounds. I need time. I need to learn how to wake up in the morning and not think of you. I need to go back to my old sleep cycle. I need to refocus on my job. I need to invest more money so that one day I can have my own place, my own car, and pay for my own education when I get back home sa Pinas. I need to put a real smile on my face and stop pretending na okay ako kahit hindi naman. I need to stop finding a way para maging numb ako every morning at hindi ako tumumba sa tuhod ko at umiiyak in public kasi I’m weak. I need to learn how to tell myself na there is nothing wrong with me. I need to learn how to forgive myself for being “too much.” I need to forgive myself for what I did to you. And most importantly, I need to learn….. how to forgive you.

I can’t be your friend right now…. Masyado pa kitang mahal.

Intindihin mo ko, I just need some time. From now on, wala na isang tao na maririnig ang pangalan mo lumabas sa bibig ko. From now on, I will not tolerate anyone to say anything about you in front of me, kahit pangalan mo lang. From now on, pipilitin kong hindi umiyak at ikaw ang dahilan. From now on… I will try to forget you… so that when I look back, I will remember you… as someone who’s given me the chance to be a part of their life… not someone who broke my heart.

I am so sorry….

Bibitaw na po ako….

Gusto ko lang isulat to, pagod na ako galing trabaho pero.. I guess kaylangan ko tong ilabas. Alam ko hindi mo to mababasa, ever pero bahala na. 

Never in a million years kong inakala na magiging akin ka ever, magiging part ng buhay ko, magiging laman ng puso ko o magiging sakit ng puso ko. EVER. Sa limang taon kong hinintay makipag-relasyon… naging handa ako sayo. Handang umibig ulit, knowing masasaktan ako. Hindi ko to sinabi sayo, pero una pa lang alam kong masasaktan ako..pero, ginawa ko parin. Niligawan parin kita. Sa biro man nagumpisa, naging seryoso ako. Everyday lage kong tinitignan mga pictures mo… sobrang ganda mo. Hard to believe na lolokohin ka ng mga taong naging karelasyon mo.. 

Sabi ng mga kaibigan ko, wag daw ikaw. Dahil masasaktan lang daw ako, pero pinaglaban parin kita. Lage naman. 

Everyday, I would think of a word to say… I would text you, you would tell me kung anong ginagawa mo. Pakiramdam ko, sobrang… lucky ko to have you. Every night magsskype tayo… I love your laugh, your stories. I love you, you were perfect. Wala pang isang linggo, mahal na kita pero hindi ko sinabi sayo. 

Gustong gusto ko pag nagseselos ka… gustong gusto ko pag nagtatampo ko, I love making lambing sayo. I ended up giving you everything … Lahat,  Sabi mo perfecto ako, pero sa totoo lang.. ikaw yun. 

But I guess, the distance nga naman would take its toll sa relasyon natin… and wala naman na akong magawa than to let you go and be with your bagong karelasyon… masakit man ang nangyare saten, tatangapin ko na lang.. 

Mamaya iiyak ako… oo, iiyak ako.. pero last ko na yun. You’re happy na. I want to be happy too. Tama na ah? Wag ka ng magparamdaman sa utak ko, please lang. Mahal na mahal kita. I would always leave my foot on the door for you, I will help you.  Pero wag muna ngayon, masakit pa ang ginawa mo…. One day gusto kitang makita ng okay ako… ng kaya kitang harapin. Pasensiya ka na. Pero wag muna ngayon. 

Salamat sa aral J. Salamat.